March 20, Friday
10:00 pm – 4:00 am : Bus Trip, tulug-tulugan, landian sa bus na sobrang lamig ng aircon.
March 21, Saturday
4:00 am – 6:00 am : Kulitan ulit, tulug-tulugan yung iba, pero kaming masisipag (he he) nagpunta ng palengke para mag picturan kahit madaling araw, bumili ng longganisa, slippers ni Radji, sanitary napkin ni July, maraming maraming itlog, mantika at kung ano ano pa…
6:00 am – 7:00 am : Breakfast muna, buti kasama namin si Chef Ryan (taga-luto he he) at ang kanyang ehemm… kabit na nagngangalang Gara (he he he.. Peace!!)
7:00 am – 10:00 pm : Trip to Strawberry Farm. Siyempre para ma feel ang Baguio, kelangan dumaan sa Strawberry Farm, hindi para mamitas ng strawberry kundi para mag picturan… pang fwenster, pang blog, pang wallpaper, pang takot sa daga at kung ano ano pa… Siyempre namili na rin ng konting pasalubong.
10:00 am – 11:am : Tam-awan Village tour. Ito yung parang cultural museum ng Cordillera pero nilagay nila sa bundok para ma-feel mo yung ethnic-Ifugao spirit. Yung mga artifacts and display pwede hawakan, landiin, buhatin at balahurain (sa picture) di tulad ng sa museum nakalagay sa glass cases he he he.
You can visit their website for more info: http://www.tamawanvillage.com
11:00 am – 12:00 pm : Stuck in Traffic. Sa buong buhay ko ngayon ko lang na-appreciate ang traffic kasi nagkaroon ako ng time para makatulog, isipin mong 3 hours lang tulog ko for two days, sa almost 1 hour na traffic, nakatulog ako, aba malaking tulong yun, kasi sobrang energy draining ang Baguio trip adventure namin na to.
12:00 pm – 1:30 pm : Lunch at Sab-atan. Tsibog muna, para ma-recharge. Ang sarap kumain sa restaurant na to, mura lang at masarap. Nag order ako nung chopsuey na seafoods (nakalimutan ko tawag), pagtapos kumain, di ako makagalaw sa busog.
1:30 pm – 2:00 pm : Baguio Death March. Ito ang pinaka masaya, kasi from Sab-atan, nilakad lang namin papunta sa tinutuluyan namin (Court of Appeals Vacation House). Actually malapit lang sana kaya lang siyempre bundok yun, tapos mainit pa kasi summer nga tsaka may global warming kaya mainit na rin kahit sa Baguio, so lakad pataas, pataas, pababa, pataas, akyat sa hagdan pataas.. hanggang……. ayun dinugo si July disaster, di ata nakayanan ng napkin nya, ha ha ha ha…
2:00 pm – 3:00 pm : Rest Time. Na realize naming tao rin pala kami at kelangan magpahinga, tsaka yun nga, dinugo si July kaya rest muna kami. Pero siyempre ito yung perfect na kulitan moments. Video-han, asaran, bolahan at kung ano ano pa.
3:00 pm – 6:00 pm : Mines View Park/ Good Shepherd Trip. Siyempre sa place na to kunwari turista-turistahan, picture-picturan, harutan, pahawak hawak sa mga paninda na kung ano ano - kunwari maraming pera. Perfect dito magpa cute (sa picture) kasi napansin ko na pag maganda ang view kahit mga pangit gumaganda….ang tawag dun optical illusion, kaya pag may tumingin sa picture mo at may nagsabing “Wow ang ganda mo dito, saan tong place na to?” ibig sabihin yung view ang maganda hindi ikaw.
6:00 pm – 7:00 pm : Rest ulit. No Comment…. Hik hik hik
6:30 pm – 8:00 pm : SM Baguio. Siyempre ang most notable sa mall na ito ay ang kawalan nito ng aircon, yun lang, mall pa rin siya katulad ng iba pang SM mall.
8:00 pm - ------ : Rhum Cola Party with Atty. – Siyempre mawawala ba naman ang part na to. Nagpuslit kami ng alak sa loob ng Court of Appeals, tapos di kami pwede masyado maingay kasi may Justice na tumutuloy malapit sa cottage namin.
Maraming title ng pelikula ang nabuo sa part na ito katulad ng:
“Bulag Sa Magdamag” starring Joann T.
“Pagpatong” starring Gara, with her famous line “Hindi lahat ng pumapatong ay may dahilan!!!” (sabay himas sa legs ni Bar)
“Responsableng Magsusuka” launching movie of July M. (as in July Makatas) with her famous line “Shits!! ang suka ko”
(PLEASE CLICK THE TITLE TO WATCH THE MOVIE PREVIEW)
March 22, Sunday
7:00 am – 8:00 am : Breakfast
8:00 am – 10:00 am : PMA
10:00 am – 11:30 am : The Mansion Kodakan Tour
11:30 am – 1:00 pm : Pasalubong Shopping
1:00 pm – 2:00 pm : Check-out
2:00 pm – : Back to reality
No comments:
Post a Comment