Tuesday, May 12, 2009

Bakit Masarap Ang Bawal?


E bakit nga ba? Tsaka pano ba nagiging bawal?

Sa tingin ko ang pagiging bawal ng isang bagay ay depende sa kultura, pananaw, breeding, personal na kaartehan at kung ano-ano pa. In short, depende sa utak mo na kadalasang dumedepende sa utak ng karahiman. Maaring bawal kang kumain ng matataba, hindi pwedeng mag boyfrend o girlfrend hanggat hindi tapos ng college, bawal manigarilyo, bawal kumain ng matatamis, bawal makipag-sex, bawal magmura, bawal makipag landian sa iba at kung ano-ano pang mga bawal na kadalasan eh siya mo namang ginagawa.

Ang mga pinoy, pati na siguro ibang kultura e mahilig talaga sa bawal. Maglakad ka lang sa kalsada e marami ka nang makikitang example. Dati ang signboard sa kalsada, nakalagay “No Jaywalking.” Yung mga tao hala sige, tawid pa ng tawid, di raw kasi masyadong maintindihan kasi Ingles. E di binago nila nakalagay na “Bawala Tumawid.” Pero ang mga lintik, tawiran pa rin ng tawiran kahit na may overpass.

Eh di binago ulit nila, ginawang “Walang Tawiran, Nakamamatay” para daw siguro kabahan ng konti. Nampucha! May mga tumatawid pa rin! Unang-una, wala na nga raw tawiran, pero hala sige… tapos nakamamatay daw, pero aba may tumatawid pa rin. O di ba ganun talaga katindi at kasarap ang bawal. (Gawain ko rin to eh, he hehe)


Eto pa, pag ang nakalagay sa pader e simpleng “Bawal Umihi” lang, naku asahan mo umaalingasaw pa rin sa area na yun, kaya ang ginagawa ng iba may twist, pananakot, puno ng galit at sumpa ang mga signboard nila.


Merong may nakalay na multa, meron nananakot at kung ano ano pang gimmick.

Pero wala pa rin, basta walang bantay, kilig-to-the-bones pa rin sa pag-ihi.


Sa relasyon naman, madalas mas mahal pa yung kerida kesa sa tunay na asawa, kasi nga siguro may “excitement” yung doon sa kerida o kabit. O kaya masa madalas ka-txt ang syota ng iba kesa sa sariling boyfrend o girlfrend tapos kunwari pinapalitan ang pangalan sa cell phone para di mahuli. Sa pagkain naman, talagang kung ano yung bawal, dun naman takam na takam, tapos kunwari tikim lang daw eh gaano ba karami yung tikim? Di ba isang kutsarita lang yun?

Sa internet, kaya napakabilis kumalat ng virus, worms, malwares at kung ano-ano pa, kasi sinabi na ngang “Do not Click, contains malicious code” e siya namang lalong i-c-click. Pasaway talaga.

E di ba nga, sa libro ng Genesis nung si Adan at si Eba e naninirahan dun sa garden of Eden, pwede nilang kainin kahit anong prutas maliban lang sa isa, pero yun pa rin ang kinain. Sabi nga, the “forbidden fruit” is always sweeter. Motto ng mga two-timer, he he.

Kadalasang palusot dyan e,

“If others can, why can’t I?” o di ba, pang Miss beauty pageant

of kaya, “Why not?” sabi ng mga pa-sosyal na mukhang siyeeet na malagkit.

Sa tingin ko, hindi natin ginagawa ang mga bawal na to dahil talagang gusto nating mag break ng mga rules kundi dahil likas na siguro satin ang mag explore at yung desire natin to know more o di kaya naman e dahil sa talagang gusto nating yung mga bagay na exciting.

Basta, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit MASARAP ANG BAWAL.

Ikaw baka alam mo, share mo naman.

No comments:

Post a Comment