Wednesday, May 20, 2009

Pa-fall ka rin ba?

PA-FALL : isang taong mahilig magpakita ng motibo, kunwari concern, minsan maharot at mapapagkamalan mong mahal ka o may gusto sa yo. Sa text, laging send ng send ng kilig-qoutes, gudnyt, miss u at muaaaahhh kahit di naman boyfriend or girlfriend. Pag magkasama, laging concern kung kumain ka na, kung pagod ka o kung may problema ka. Lagi kang papasayahin, at laging nandyan pag gusto mo ng kausap.

Ito yung mga taong mapipilitan kang ma-inlove. Kung loyal ka di mo papatulan, kung bored ka o sadyang malibog ka, pwede na rin. Pero in the end, ma re-realize mong sadyang ganun pala sila. Pag nag-propose ka na or nagparamdam sa taong pa-fall, na akala mong mahal ka rin, di ka papansinin, at basted ka. Iiwan kang luhaan, naglalaway at umaasa.

Tanong pa niya sa’yo “Bakit? E friend lang talaga ang turing ko sayo,” matapos kang landiin.

Minsan, ang mga pa-fall e pumapatol din. Makikipag relasyon tapos biglang wala na ulit. Yun yung mga bad na pa-fall, he he he.

Meron namang pa-fall pero di nila alam na pa-fall sila. Yung mga sadyang mabait o talagang manhid at insensitive lang talaga.

Meron naman tinatawag na Assumerong Pa-fall : mga taong nag a-assume na may gusto ang ibang tao sa kanila saka magpapakita ng motibo at lalandi rin.

Nasa paligid lang ang mga pa-fall, kasama na ko dun, he he he.

Ito lang ang maipapayo ko. NEVER FALL IN LOVE sa mga taong PA-FALL.

No comments:

Post a Comment